MGA NILALAMAN

Saturday, April 26, 2014

ANUNSYOW !!

Hello Guys!
Muli akong nagbabalik upang ipaalam sa inyo na…
Updated na po ang aking pangalawang blog.
Paki-Follow din po :D Maraming salamat ! :D
                                                        
V ~ http://www.blog-ni-kerochan7.blogspot.com ~ V
http://4.bp.blogspot.com/-PzuFD3zKjXA/UxwPWGsx_mI/AAAAAAAABBQ/2J-3bKtMQWQ/s1600/banner.jpg

Saturday, March 8, 2014

I AM BACK !


            Hey fellow BloggeRista’s !

       For almost 1.5 year of having no posts in this blog, tinawag na naman ako ni Blogger na magpost sa kanya. Pero for other purpose naman ! >_< . Walang magawa sa buhay kaya susundan kong muli ang mga yapak ng Filipino teacher ko noong 3rd Year- ang pagpopost ng mga bagay na nasasala ng utak ko mula sa hanging nalalanghap ko sa araw-araw. XD. Back to Filipino ulit ako, panhinga muna sa pagsusulat ng English essays, articles, at iba pa ! Hintay lan  kayo for more updates ! :D 

Friday, March 15, 2013

P.S. ByeBye!!


Dear Diary,
            Hansaya ng araw na ito dahil nanalo ang pelikula naming “Banyaga” sa isinagawang Short Films Awards ng aking mga kamag-aral na pinangunahan ng aming guro sa Filipino III na si Gng. Mixto. Pinangaralan din ang mga may Blog na nangibabaw ngunti hini ako kasama doon. Alam ko naman na iyon sa una pa lang dahil nagpokus na ako sa iyo at hindi ko na nagawang bigyang reaksyon ang iba pa naming tinatalakay. Pero ok lang…… may certificate naman ako sa Short Films e.
          Napanalunan ng aming grupo ang mga sumusunod:
·       Mary Grace Duero – Pinakamagaling na Aktres
·       Kate Gabin – Pinakamagaling na ikalawang Aktres
·       Pinakamahusay sa paglapat ng musika
·       Pinakamagandang Sinematograpiya
·       Pinakamagandang Maikling Pelikula
Blessed na Blessed talaga ako dahil madami kaming napanalunan at iyon ay dahil sa aming mga paghihirap matapos lang ang pelikulang iyon! Umabot na rin sa 300+ an gaming views sa Youtube! Panis diba? Haha
Napasa na rin namin ang aming proyekto sa English at sana’y pumasa kami doon. Papasa yan… TIWALA LANG!
Baka heto na rin ang aking maikukwento sa iyo! Ito na kasi ang huli kong post sa Blogger(Baka?) At madami na rin akong kailangan asikasuhin pagdating ng Fourth Year kasama na doon ang Campus Journalism.
Babay na Diary ko!! At sa mga nanalo pala kanina….. KUDOS EVERYONE! We Deserve it !! pero Banyaga pa rin ako! Hahaha

Thursday, March 14, 2013

Ako.Good.Boy


Dear Diary,
            Nagulat talaga ako kanina ng papunta na ako sa aming paaralan, sa 102 ay may biglang kumapit sa akin na matanda. Nakaka-awa kaya tinulungan ko siya. Sasakay daw siya papuntang LRT, nagbiglang bumulong sa akin… “Noy, Penge Sampumpiso”. Gusto ko sanang bigyan kaya lang wala na rin akong pera. Buti na lang at tinulungan pa ako ng isa pang estudyante ngunit hindi ko alam kung saan school siya galing. Hanggang nang makasakay na ako sa tricycle ay natatanaw ko pa rin ang matanda na naghihintay ng jeep. Nakakaawa talaga siya.

Wednesday, March 13, 2013

Bugbog na ako!!



Dear Diary,
         Hindi ko na talaga makaya ang mga gawaing kailangan ko pang tapusin. Dumagdag pa dito ang aking mga irereview, at MAHIRAP SILANG LAHAT. Ang magagawa ko na lang ngayon ay ang MAGPUYAT. Bugbog na talaga ako!!

Tuesday, March 12, 2013

Two Days Left



Dear Diary,
          Martes na, at hanggang nagyon ay hindi pa ako nakakapagreview . Aguy ako nito dahil tambak din ako sa mga gawain kung kaya't mas minabuti kong unti-untiin ang mga gawaing iyon kaya ayun....puyat na naman ako.

Monday, March 11, 2013

Ako.Si.Speaker



Dear Diary,
          Kinabahan talaga ako kanina..... akala ko ay hindi ko iyon magagawa g maayos, pero I Made it! Buti at medyo interesting ang topic kokung kaya't nagawa kong makuha ang atensyon ng aing mga kamag-aral. Medyo may pagkukulang nga lang ako pafdating sa pagsasalita. Pero ayos naman daw.

Sunday, March 10, 2013

SPEECH



Dear Diary,
          Naubos na naman ang oras ko sa paggawa ng aking speech para bukas. Hindi tuloy ako nakapagsimba. Buti na lang at madali lang ang tema na aking napili… kaya ayun!mabilis ko lang itong natapos. Matapos noon ay ginugol ko naman ang aking ras upang iensayo ang aking speech. Sana pasado ako bukas !hihi

Saturday, March 9, 2013

MURAL PAINTING


Dear Diary,
        Painting na naman ang inatupag ko ngayon. Naging mahirap ng kaunti, pero masaya naman. Malapit na namin matapos yung background kaso lang.... madami pang objects na kailangan naming ilagay. Pero kaya naman na siguro namain iyong matapos sa Lunes. TIWALA LANG

Friday, March 8, 2013

Lets do the PARTY ROCK !


Dear Diary,
        Sa wakas !! Natapos na din ang aming Aerobics Presentation sa MAPEH. Masaya kasi lahat kami naka-100%. PANIS? Pero ang totoo talaga.. kapag nakapagpresent ka ay 100 talaga ang Grade mo.