Ang Teoryang ito ay pumapatungkol sa sapilitang
paghayag ng manunulat sa tunay na esatdo ng ating Lipunan gamit ng kanilang mga
akda. Ipinapakita rin nito ang ugali at gawi ng Akda.
Ang Teoryang ito ay nababatay sa Kilos, Gawi,
Paninindigan, at Paniniwala ng mga tauhang nakapaloob sa Akda. Pinapakita rin dito
ang Istilong ginamit ng manunulat o may akda pati na rin ang pagpapakita ng
Malayang Kaisipan.
Para sa pagpapatuloy ng Ikasiyam na Pangkatang Gawain,
kami ay muling inaatasan upang ibigay naman ang aming reaksyon sa Kaisipan
(Point of View) ng mga tauhan.
Kami ay naatasan upang ibigay ang katangian ni Ben sa
akdang “Ang Lupa ng Sariling Bayan” at ibigay kung paano siya ginamit ng may
akda upang mas mapaganda pa ang takbo at anggulo ng Kwento.
Ang
akdang ito ni Buenaventura Medina ay pumapatungkol sa kahalagan at ang pagkamit
ng tauhan sa akda ng Kalayaan kanyang inaasam matapos ng pagkakulong sa kanyang
sariling pagkakasala.
Ang awiting “Kanlunga” ni Joel Cabangon ay isa lamang sa
mga akdang pampanitikan na nagpapakita ng Teoryang Realismo kung saan
naipapahayag natin ang ating gustong ipahiwatig sa pamamagitan ng pagamit ng
Kalikasan.
Kami
ay bumuo ng isang tula na pumapatungkol
sa hinahangaan naming o di naman kaya ay ang aming mga minamahal sa buhay at
kailangan naming gamitin ang Kalikasan upang mas mapaganda at mapatatag pa nito
ang pagpaparating ng kahulugan sa mga mababasa.
Kami ay naatasan upang sumulat ng isang sanaysay
patungkol sa iba’t ibang katangian ng Pag-ibig kasama na rin dito ang mga
epekto nito sa buhay ng isang indibidwal.
Kami ay naatasan upang ibigay ang ilan sa mga
pangyayaring naganap sa realidad/ ating kasaysayan na nangyari rin sa Loob ng
akdang “ Sa Bagong Paraiso”.
Angakdang “Ang
Bagong Paraiso” ni Efren Abueg ay isa lamang sa mga akdang nagpapakita ng
Teoryang Romantisismo kung saan ang mga tauhan ay tahasang tumatakas sa
realidad.
Ang akdang ito ni
Aurelio Tolentino ay tumatalakay sa mga pangyayaring naganap ng ang Pilipinas
ay napasailalim sa Kamay ng mga Kanluranin pati na rin ang ibang mga mananakop.
Ipinakita din dito ang ilan sa mga pangyayaring nagpakita sa Kasamaan at
Kasakimang ginawa ng mga espanyol sa mga Pilipino.
Ang gawaing ito ay naglalaman ng aming mga pagsusuri sa
ikalawang taludtod ng tulang “Sa Tabi ng Dagat” ni Lualhati Bautista kung saan
inilarawan namin ang anyo ay nilalaman nito.
Ang tulang ito ng Lualhati Bautista ay pumapatungkol sa
isang magkasintahan na naglalakad sa baybayin at ibinabahagi nila ang kanilang mga
karanasan at sabay nilang nilalasap ang saya ng kanilang pag-iibigan.
Matapos kong basahin ang akdang “Dekada ‘70” ni Lualhati
Bautista ay nagkaroon ng ilang pagbabago sa aking isipan maging sa aking
kaasalan. Ako ay lubhang nagulat sa mga pangyayaring nakapaloob sa akda na
maihahalintulad ko sa mga pangyayaring naganap ng napasailalim ang ating bansa
sa kasakiman ng Administrasyong Marcos. Natutunan ko sa akda na ang pag-abuso
sa kapangyarihang ipinagkaloob sa iyo ay may lubha ring epekto sa mga taong
nakapaligid sa iyo.