MGA NILALAMAN

Thursday, January 31, 2013

Banyaga - Da Taping !


Dear Diary,
                YES ! Sa wakas at nagsimula na an gaming taping para sa aming proyekto sa Filipino. Ako ang naatasan bialang maging Cameraman “SLASH” Technical Director ! Saya diba? Medyo malayo nga lang yung pinag-shootingan naming pero ayos lang rin dahil mabilis naming natapos yung unang limang eksena. Thanks LORD !

Wednesday, January 30, 2013

Tapos !


Dear Diary,
                Matapos kong magawa an gaming S.I.P (Science Investigatory Project), sa wakas ay naipasa na din naming kay Gng . Manlanggit. Sobrang saya kasi wala na masyadong aasikasuhin ! MAGDIWANG!

Tuesday, January 29, 2013

Let the Real Painting Begins !


Dear Diary,
                For the Third Time, bumili na naman ako ng pintura sa mambuagn Paint Center na kung lalakarin mo .. eh. Parang pumunta ka na sa Masinag ng walang sakayan. Sumakit na naman ang aking binti kaya medyo nahirapan maglakad pero nawala din naman kaagad. At dahil dun.. nasimulan ko na ang aking pinipinta !

Monday, January 28, 2013

YummmmmmmmY !


 Dear Diary,
          YummmY ! Kala mo pagkain nu? HINDI. Nakagawa na kasi kami ng produkto namin para sa aming  Science Investigatory Project. Masaya dahil wala na kaming masyadong gagawin kundi ay susubukan na lang iyon at    kung gumana iyon.... TADA! May project na kami!

Teoryang Feminismo





Sa teoryang ito, ang mga kababaihan ang nasa sentro ng kwento. Dito ipinapakita ang kahinaan, kalakasan, at maging katayuan nila sa lipunan.


Teoryang Humanismo




Sa teoryang ito, ang tao ay ang sentro ng kwento. Ipinapakita dito ang kakayahan ng tauhan maging ang kalakasan at kahinaan nito.


Teoryang Formalismo




   Sa teoryang ito, tuwirang inilalahad ng may-akda ang kanyang saloobin gamit ng kanyang mga akda. Walang Labis, Walang Kulang.

Kinagisnang Balon




Ang akdang “Kinagisnang Balon” ni Liwayway Arceo ay patungkol sa pagnanais ni Narsing na magkaroon ng maituturing niyang marangal na trabaho at tapusin ang sinasabi ng kanyang ama pagsasalin ng pagiging aguador nito kay Narsing.

Banyaga

         

             Ang akdang “Banyaga” ni Liwayway Arceo ay patungkol sa buhay ni Fely at sa mga naging epekto ng mga malalaking pagbabago sa kanyang buhay.


Pamana




     Ang akdang “Ang Pamana” ni Jose Corazon De Jesus ay patungkol sa walang katulad na pagmamahal ng isang ina sa kanyang mahal na anak.



Sunday, January 27, 2013

Pyutyur Karpintero

 Dear Diary,
         Kay Sakit ng Braso ko! Ganoon talaga, kailangan kong lagariin ang aking plywood para sa aming canvas painting sa TLE. Kahit hirap na hirap ay kailangan kong malagari iyon. Atleast, nakapag-ehersisiyo na rin habang gumagawa ng assignment. Oh Huh? haha

Saturday, January 26, 2013

Da Adbentyurs of Kaycee & Ian !


Dear Diary,
          Haist. Kapagod talaga maglakad . Biruin mo, Dalawang Bundok ang nilakbay namin ng aking kaibigan si Kaycee. Madami kaming dinaanang matatarik na lugar (syempre bundok). Parang naglakad kami simula Pagrai hanngang Masinag ng dalawang beses, makabili lang ng pintura. Pero ayos pa din kasi masaya naman ang paglalakabay naming iyon!

Friday, January 25, 2013

Pressured sa S.I.P


Dear Diary,
          Pagkatapos ng aming Klase , pumunta agad kami sa aming Guro sa Chemistry upang itanong kung maari na ba ang aming gagawing produkto sa aming Science Investigatory Project (S.I.P.). Kaya lang... palpak kami. Kaya ayun, paspasan na naman kami pag-iisip kung ano nga ba ang aming gagawing produkto. Grrrrr!

Thursday, January 24, 2013

Parang Ewan lang.

Dear Diary,
          Ngayong araw na ito, nagsimula na kaming magpainting nga mga puno. Ito yung pinakanahirapan ako. Pero Unexpected. maganda naman yung kinalabasan. Tapos hindi ko din alam kung bakit ako masaya ngayon... ano ba kasi ang meron ngayon? EWAN KO.

Wednesday, January 23, 2013

Happy Bornday to me!


 Dear Diary,
[ Certified DragonFolk! ]
          Yehey! Birthday ko na! Regalo ko? Biro lamang... napakasa ya kotalaga ngayon dahil sinorpresa ako ng aking mga kaibigan pagkadating ko sa aming bahay. Sila yung naghanda sa Birthday ko. Kahit kaunti lang.. eh.. ayos lang naman dahil napasiya naman nila ako. Nagbigay din sila ng isang SOBRANG LAKING LETTER (akala ko, kalendaryo) at doon nila pinaraing ang kanilang mensahe para sa akin. Ang Saya ko talaga ngayon.

Tuesday, January 22, 2013

Aguy!


Dear Diary,
          Aguy! Napagalitan ulit kami ni Gng. Mixto kanina. Hindi kasi kami makasagot sa mga napakadaling tanong niya patungkol sa akdang tinalakay namin. Ang totoo talaga, maraming hindi nakapagbasa sa amin ng akdang iyon (pero nakapagbasa naman ako). Hindi ko lang talaga alam kung bakit ako takot sumagot tuwing si Gng. Mixto ang nagtuturo. hehe

Sunday, January 20, 2013

Lets go to the Church!


Dear Diary,
          Nagsimba ulit kami ng aking pamilya kanina. Nablessed ulit kami at syempre, sumaya din ako dahil nagkasamasama muli kami ! Madamiulit akong nakain. hehe 

Saturday, January 19, 2013

Card Day ,Sad Day !


 Dear Diary,
          Kuhaan na naman ng Card, pero sa kasamaang palad.. hindi ko siya nakuha. Busyt kasi sila ate at papa. Kaya ang ginawa ko muna sa ngayon ay inayos ko muna ang aking mga gamit.

Friday, January 18, 2013

Painting pa din

[ Huwag niyo muna laiitin, hindi pa tapos yan! ]

 Dear Diary,
          Nagsimula na kami sa pagpinta ng mga Prutas. Medyo nahirapan dahil hindi ako masyadong magaling sa paghahalo ng mga kulay pero nakuha ko naman dahil tinuruan ako ng aking mga kaklaseng bihasa sa pagpipinta.

Thursday, January 17, 2013

Painting Day - Part II

[ Maganda ba? Panis kayo! ]

Dear Diary,
         Second Day ng aming pagpipinta. Masaya pa din dahil napaganda ko naman yung painting ko at natapos ko na siya sa wakas. Maganda naman daw siya sabi ng aking mga kaklase[totoo naman]. 



      
           Naging masaya din ako dahil bumisita doon ang aking isa sa mga matalik na kaibigan na si Besy para kuhain ang knyang Form 137. Namiss niya din daw kami. Babalik pa daw siya sa susunod ng Huwebes.

Wednesday, January 16, 2013

The Painting Day

Dear Diary,
          YES! First time. magpePaint na ako. Ginalingan ko talaga kanina para mataas ang marka ko. Pero sa kasamaang palad, pangit yung nagawa ko. Pero ayos lang iyon, may bukas pa.haha 

Tuesday, January 15, 2013

Excited sa Painting


Dear Diary,
          Maaga na naman nagising…. GINISING ni ate para magpadesign ng visual aids[iba talaga pag magaling] . Pero Natapos ko naman agad kaya ginawa ko muna yung iba kung assignments. Pagkatapos naman ng klase naming, umuwi kaagad ako para magbihis dahil bibilikami ni tsong(Funcion) ng paint para sa aming Paiting bukas. Pati mga brush ay binili ko na din para handa na bukas. 

Monday, January 14, 2013

MAGPUGAY!


Dear Diary,
            Nagulat talaga ako kanina ng inanunsiyo n gaming guro sa asignaturang English na isa ako sa mga nakakuha ng mataas na grado sa ikatlong markahan. Kami lang dalawa ni Jeaneth Enriquez ang nakakuha ng 92 na marka. Kagulat talaga.

Sunday, January 13, 2013

Computer Day!


Dear Diary,
            EYEACHE? Sumakit na naman ang aking mata kanina. Buong araw kasi aking nakapagcomputer dahil kami lang ng aking nakababatang kapatid ang nandito sa bahay. Pero sa mahabang oras na iyon ay nagaw ko naman ang aking mga takdang-aralin.

Saturday, January 12, 2013

OPLAN LINIS BAHAY


Dear Diary,
            Matapos ng mga paghihirap na aking dinanas sa aming markahang pagsusulit, nakapagpahinga na rin ako. Pero hindi ko rin naman naiwasan na hindi mautusan ng aking mga ate [alam na! baka mapagalitan] kaya naglinis na din ako n gaming bahay pero kaunti lang. Ako na rin ang Nagpaligo sa aming aso. 

Friday, January 11, 2013

AWTS


Dear Diary,
            Last day ng Periodical Test! Heto na ang araw kung saan ay mapipiga na talaga ang aming mga utak. Ngayon kasi kami magtetest ng Math- ang kahinaan kong asignatura. Ramdam ko na hindi talaga ako makakapasa[expected na talaga iyon]. Nahirapan talaga ako sa Math. Pero bumawi naman ako sa iba pang asignatura tulad na lamang ng English.
            

Thursday, January 10, 2013

Periodical Test Na!


Dear Diary,
            Tugs…Tugs! Kabado talaga ako kanina. Pero buti na lang at nakapagreview ako. Hindi naman na kami masyadong napressure dahil madadali lang ang lahat n gaming tinest. Buti ay napag-aralan naming lahat ng iyon. Pagkatapos noon ay diretso uwi na din ako para magreview ng mga kailangan pang ireview para sa aming pagsusulit bukas.

Wednesday, January 9, 2013

Nakahinga na din !



Dear Diary,

            YES! Huling araw na ng aming review. Pero kabado pa din para bukas. Medyo pa-easy.easy na lang kasi wala na masyadong ginagawa. Tapos na din ako sa aking mga portfolio. Natapos na din namin ang aming mga articles. buti na nga lang at nagtulungan na kaming mga writers para lang matapos ang aming dyaryo! THANKS LORD!

Tuesday, January 8, 2013

Ikalawang Araw ng Review


Dear Diary,
            Review ulit! Kahit dumudugo na ang aking utak ay kailangan ko pa ding makapagreview para makapasa. Hindi pa din tapos ang mga articles[pero kaunti na lang] . Madami pa ding mga portfolio.

Monday, January 7, 2013

First Day ng Review


Dear Diary,
            Three Days bago ang Periodical Test. Abala na naman ang lahat ng mga mag-aaral sa pagrereview.. lalo na kami! Muli naming binalikan ang mga aralin sa iba’t ibang asignatura.
          Hindi lang iyan diyan nagtatapos! Pagkatapos ng aming klase ay gumawa naman kami ng SOBRANG DAMING articles. Paspasan na kasi ang pagtapos n gaming dyaryo dahil malapit na ang RSPC at dapat na naming iyong matapos dahil isa iyon sa mga kailangan. Hapon na noong kami ay nakauwi.

Sunday, January 6, 2013

Church Day !




Dear Diary,


            CHURCH DAY! Kanina ay nagsimba kami kasama ang aking mga ate. Pagkauwi naming ay dumaan muna ako sa bilihan ng School Supplies upang bumili ng aking mga gagamitin sa aking mga portfolio.  

Saturday, January 5, 2013

Bored Ulit.


Dear Diary,
            TUWING SABADO NA LANG. Inaatake na naman ako ng Boredom. Wala ako masyadong ginawa sa araw na ito. Naglinis lang kami ng kaunti at inayos o na din ang aking mga gamit. Hindi kumpleto ang araw ko kapag ako ay hindi nakakagamit ng computer at sa araw na ito ay nakadalawang oras ulet ako[nonstop]. Matapos noon ay kumain na kami ng tangalian at natulog din ako matapos noon.
          Ang ikli diba? Ganyan kaboring ang araw kong ito[as usual].

Friday, January 4, 2013

Dear Diary [to.be.continued]



Dumami na ulit kami!



Dear Diary,
            Ayun! Dumami na din kami! Hindi katulad kahapon ay iilan pa lang kaming pumasok. Ang ilan sa kanila ay galling pa sa mga probinsya kung kaya’t sila ay nahuli sa pagpasok ngunit ayos lang naman daw iyon sabi n gaming gurongtagapayo.
          Pinagawa na din kami ng “Faith Goals” ng aming guro sa asignaturang Ingles kung saan ay ilalagay naming an gaming mga layunin para sa mga taong ito.





Thursday, January 3, 2013

Pasukan na!



Dear Diary,
        
         Pasukan na naman! Excited na naman ako dahil muli kong makikita ang aking mga kaibigan at mga kaklase. Tinatamad nga lang ng kaunti [ vacation mode pa]. Kahit madami pang gagawin, iienjoy ko muna ang araw na ito kasama ang aking mga kaibigan.
        Heto na rin ang aking huling kwentong maibabahagi ko sa iyo. Hanggang sa muli!

Wednesday, January 2, 2013

Rushed na naman



Dear Diary,
        Rushed na naman kami ! Kakatapos lang ng bakasyon…eh… madaming Gawain kaagad ang bumulaga sa akin at sa aking mga kaklase. Ilan na dito ay ang aking mga Portfolio, mga kwaderno,at higit sa lahat… ang aking mga articles para sa aming dyaryo.
        Nagkaroon kami ng isang pagpupulong kasama ang aming Editor-in-chief para pag-usapan ang mga articles at mga pahina ng dyaryo na aming kailangan pang punuin. Pero salamat na lang at malapit na naming matapos ang dyaro namin! Thanks Lord !

Tuesday, January 1, 2013

January na!





Dear Diary,
          
             JANUARY 1, 2013 ! Unang Araw ng Bagong Taon ! Pauwi na din ang aking mga ate papunta sa Makati. Nagmovie-marathon muna kami bago sila umalis. Syempre, HORROR ulit an gaming pinanuod, iyon kasi ang paborito naming panuorin [para ay thrill]. Matapos noon ay sabay-sabay na din kaming kumain ng alamusal at madami ulit kaming pagkain .

          Nagbonding din kami ng aking mga pamangkin para sa huling pagkakataon. Medyo nakakalungkot nga lang dahil uuwi na sila pero ayos lang dahil naging Masaya naman ang pagsalubong naming sa Bagong Taon ng sabay-sabay.