MGA NILALAMAN

Thursday, February 28, 2013

SSG ELECTIONS 2013


Dear Diary,
          Nagulat talaga ako kanina ng biglang pumasok sila Kuya Dhannie at ibang SSG officers sa aming silid-aralan. Kanina kasi sila nagsagawa ng Eleksiyon para sa SSG kung saan ay tumakbo ako ng Fourth Year Represenatatives. Kabado ako kanina kasi baka kaunti lang ang makuha kong boto sa aming pangkat , ngunit nagkamali ako. Sabin g iba ay ako daw ang humakot ng pinakamadaming boto sa III-1. Sana talaga ay manalo ako, saying din si POINTS.  

Wednesday, February 27, 2013

Ako si Fourth Year Representative !


Dear Diary,
          Kaninang umaga ay nasimula na kaming magcampaign sa bawat silid-aralan ng aming paaralan. Masaya nung una dahil hindi pa masyadong pagod pero pagdating ng tanghali ay napagod na talaga ako. Hindi pa ako nakapaglunch. Pero kinaya ko naman. Sa tingin ko ay naging mahigpit ang laban ng dalawang partido. 

Tuesday, February 26, 2013

Excited sa Exhibit


Dear Diary,
          Nakapasok na naman ang aking isa pang painting sa "On the spot Category". Naeexcite na talaga ako sa Exhibit sa Friday. Tatlo kasi sa aking mga obra ay napili ng aming guro sa TLE upang isama sa exhibit na isinagawa ng TLE Department. At dahil doon ay EXEMPTED na ako sa aming huling markahang gawain sa TLE.

Monday, February 25, 2013

EDITTING: ACCOMPLISHED


Dear Diary,
          Yehey ! Natapos ko na din ang pageedit ko sa Music Video namin. NaDelay nga lang yung music kaya medyo hindi maganda ang kinalabasan pero over-all, ayos lang naman daw. Nandito na rin yung mga eksena na kinuha namin noong sabado at nagsama na din ako ng ilang eksenang nakuha sa loob n gaming paaralan.  

Sunday, February 24, 2013

Ama-Boy in Blue Shirt !


Dear Diary,
          Linggo na! At dahil doon, kinailangan ko na namang maghanda para sa pagpunta namin sa church. Sa araw na ito, masusuot ko na ang aking paboriting shirt na binigay pa ng aking tita. Matapos n gaming service sa church ay napansin din ng aking kaibigan doon ang aking suot. Cute ko daw. Pero totoo naman. Hehe. 

Saturday, February 23, 2013

Bawi.Bawi Din !!


Dear Diary,
          Akala ko talaga, hindi na namin maayos ang aming ginawang Music Video sa Values….. AKALA ko lang iyon ! Kanina ay nagsagawa na kami ng recording dito sa bahay (kaya maingay na naman na dito). Maganda namna yung pagkarecord namin at matapos noon ay dumiretso na kami sa school dahil napagdesisyunan namin na magtaping pang ulit, for the Last time. At salamat sa diyos ay natapos din namin si Music Video ! MAGDIWANG !

Friday, February 22, 2013

Music Video : Da Unsuccessful Shooting


Dear Diary,
                Kabadtrip ! Hindi namin natapos ng maganda yung music video namin. Hindi kasi nakapagplano ng maayosn kaya ayun, Palpak si Music Video. Hindi talaga ako satisfied sa gawa namin. Haist

Thursday, February 21, 2013

Music Video : Da Shooting.


Dear Diary,
                Shooting na naman ang inatupag ko kanina. Hindi na nga kumain ng Lunch eh. Pero badly needed talaga. Naging maganda naman kaya lang  hindi namin natapos. Sana bukas matapos na namin. >_<

Wednesday, February 20, 2013

Miss ko na si Aling Rose !


Dear Diary,
                Natatawa talaga ako kanina. Mayroon kasing tindahan malapit dito sa aming bahay ang mahal kung magbenta. Since Kinder pa lang ako, eh, ganoon na siya. Sinubukan ko ulit na bumili sa kaniya ng Glue kanina. At ganoon pa rin siya,ang Glue na dapat Php 10.00 lang dapat ay naging Php 20.00. BOW !

Tuesday, February 19, 2013

Tadtad ng Assignments !


Dear Diary,
                As usual, may assignment na naman kami.. at madami sila ! Kaynis. Pero ganoon talaga, kailangang gumawa ng assignments. Kaya ayun, babad na naman ako sa harap ng Computer.

Monday, February 18, 2013

Week na naman ng Shooting.


Dear Diary,
                Busy na naman ako. Paano ba naman, gagawa na naman kami ng Music Video at ako na naman ang mag-eedit. Ayoko n asana kasi tinatamad na ako. Pero kaialangan eh. Basta, gagandahan ko na lang.

Sunday, February 17, 2013

Just a Simple Day


Dear Diary,
                SIMPLE DAY. Ayun, ganoon pa rin. Wala na namang masyadong ginawa, kaya ayun, napalinis tuloy ako. Namalengke din kami kanina at ginawa pa akong tagabuhat ng mga pinamili ni ate. Aist.

Saturday, February 16, 2013

Art Attack !


Dear Diary,
                Its Saburday ! Masaya na naman at nakatulog ng mahibing. Ngayong araw na ito, inayos ko na man ag aking mga paintings partikular ang aking Mixed Media na isasasabak sa Exhibit kaya kailangan maganda. Hihi

Friday, February 15, 2013

-_-


Dear Diary,
                YEHEY ! Wala pa ring pasok. Medyo naboBored na naman ako. Ganoon talaga ako kapag walang pasok. Ayoko kasi ng wala masyadong ginagawa, huwag lang maglinis ng bahay.

Thursday, February 14, 2013

Ama-SMV Member !



Dear Diary,
              AYUN! Valentine’s Day na. Pero para sa akin, parang simpleng araw lang ito. Alam na! haha. Pero naging makabuluhan naman ang araw na ito dahil ma nagawa naman akong kapakipakinabang. Isa na roon ay ang pagtulong ko sa paglilinis ng aming bahay. Yun lang. Dami diba?

Wednesday, February 13, 2013

Araw ng mga Puso - Da Preparation



Dear Diary,
                Rushed na naman kami ngayong araw na ito. Gumawa kami ng aming mga palamuti para sa aming silid-aralan. At dahil Valentine's Day na bukas, puro Puso na naman ang aming ginawa. Kinailangan din namin iyong tapusin kanina dahil gagamitin iyon ng mga mag-aaral ng Ikaapat na Taon dahil sila ay kukuha ng Division Achievement test bukas.

Tuesday, February 12, 2013

Hayahay ang Filipino Taym !



Dear Diary,
                Sabog ! Ganyan ang kinihinatnan ng aming buong klase matapos ng isang masayang talakayan (talakayan nga ba?) patungkol sa akdangb "Bangkang Papel".
           Halo-halo ang emosyong nadama 

Monday, February 11, 2013

Excited masyado



Dear Diary,
                MONDAY NA! Excited na akong malaman ang resulta ng aming ginawang movie. Akala ko talaga ay ngayon na iyon sasabihin ngunit pagkadating ng oras ng Filipino ay nalaman naming wala pala si mam. 

Sunday, February 10, 2013

Sun-Day !



Dear Diary,
                Linggo na naman ! Nagsimba ulit kami pero kaming tatlo na lang ng aking kambal na ate. Nablessed ulit kami . 
           Pagkauwi namin ay naisip ko ding ilagay ang mga paintings na inayos ko kahapon sa kwarto namin. hahaks.

Saturday, February 9, 2013

Mixed Media !



Dear Diary,
                Sinimulan na naming ang paggawa ng Mixed Media kanina. Buti na lang at nadikit ko na ang lahat aking kakailanganin sa Mixed Media kung hindi ay napagalitan na ako ng aming guro. Pagkauwi ko ay tinapos ko na agad ito , at salamat sa diyos aynapatapos ko agad ito. At syempre, maganda siya! Haha.
          Inayos kona rin ang iba kong mga paintings !
                Sinimulan na naming ang paggawa ng Mixed Media kanina. Buti na lang at nadikit ko na ang lahat aking kakailanganin sa Mixed Media kung hindi ay napagalitan na ako ng aming guro. Pagkauwi ko ay tinapos ko na agad ito , at salamat sa diyos aynapatapos ko agad ito. At syempre, maganda siya! Haha.
          Inayos kona rin ang iba kong mga paintings !

Friday, February 8, 2013

Meron pang ISA !


Dear Diary,
                Sayang! Hindi napili yung painting ko. Sabi ng aming guro sa TLE ay maganda naman daw ngunit hindi masyadong buhay ang kulay. Kaya gagandahan ko na lang sa Mixed Media para exempted ako sa Test !

Banyaga - Da Movie

Thursday, February 7, 2013

Bangkang Papel


                Ang akdang “Bangkang Papel” ni Genoveva Edroza-Matute ay patungkol sa buhay ng batang lalaki sa lob ng akda kung saan hindi inaasahang mamulat ang kaniyang mga mata sa musmos na edad dahil sa pagkamatay ng kanyang ama matapos ang paglalaban ng mga kawal at mga taong bayan.

Himala




                   Ang akdang “Himala” ni Ricardo Lee ay patungkol sa buhay ni Elsa kung saan ay pinaniniwalaan ng mga tao mula sa kanyang bayan na siya ay nakakapagpagaling. Pokus din ng manunulat dito ang mga maling paniniwala at pamahiin ng mga tao naninirahan sa bayan na iyo.

Teoryang Sikolohikal


               

           Sa teryang ito, binibigyang-diin ang pag-uugali ng pangunahing tauhan at kung paano siya nakikipaghalubilo sa mga taong nakapaligid sa kaniya.











 https://encrypted-tbn0.gstatic.com/imagesq=tbn:ANd9GcQcqICBX9fbkfyTIV9RHAnXj1re8i9XQG6TxvTJ0hIOkqteQJ5Dug

Pangit ng pagka-Burn !


Dear Diary,
                Kabadtrip ! AmPangit ng pagka-burn ng proyekto namin. Parang kinuha sa sinihan tuloy ang kinalabasan. SOBRANG LABO talaga. Kung ikukumpara mo sa Orihinal ay sobrang labo talaga. IaUpload ko na lang iyon sa Youtube and See The Difference ! whawha.

Wednesday, February 6, 2013

Maganda Daw?


Dear Diary,
                Pinanuod na ng aking mga kagrupo ang ginawa kong movie. Nasiyahan naman DAW sila dahil maganda ang pagkakaedit ko (naks !). May kaunti ngalang na mali at kung hindi nila napansin iyon ay tiyak! Pangit ang kalalabasan noon ! Kung kaya’t inedit ko kaagad dito sa bahay pagkadating na pagkadating ko. 

Tuesday, February 5, 2013

Feeling 3-11


Dear Diary,
                Kainis ! Dapat pala sumama na lang ako sa Science Fair. Kung alam ko lang na kaunti lang rin kaming papasok. Pero ganoon talaga.... nasa huli ang pagsisi. Pero masaya naman dahil mayroon pa rin akong nakasamang mga "Baliw" na kaibigan kung kaya't hindi naman ako nakain MULI ni Ginoong Boredom.

Monday, February 4, 2013

Ako Si Technical Director !


Dear Diary,
                Kinareer ko na ang pagiging Technical Director ko. Masaya talaga mag-edit ng videos/movies lalo na kung project. Kailangan talaga naiiba at maganda ang pagkakagamit ng effects kaya ginandahan ko talaga kanina. Sana nga’t mataas ang maging marka naming doon ! KAHIMANAWARI !

Sunday, February 3, 2013

Bonding ulet with Mia !


Dear Diary,
                Masaya na naman kami dahil bumisita ulit dito ang aking ate, ang kanyang asawa at ang cute kong pamangkin na si Mia. Nakapagbonding muli kami kahit dalawang araw lang. Parang sobrang bilis ng panahon dahil biglang ding lumaki si Mia, ewan ko kung bakit?. Akala ko rin ay pupunta din ang isa ko pang pamangkin dito pero hindi pala. Sayang !

Saturday, February 2, 2013

Tapos na Tapos Na !


Dear Diary,
                Boom ! Sa wakas at natapos na naming an gaming Taping, Edit ko na lang ang kailangan.
          Ngayong araw na ito, kami ay nagshooting sa bahay ni Galvez . Medyo malayo pero malapit naman (pero malayo talaga siya). Medyo natagalan din kami dahil madaming dumadaan na mga sasakyan doon sa daanang aming pinagshootingan. Pero Natapos naman naming.

Friday, February 1, 2013

Love Month !


Dear Diary,
                PEBRERO NA ! Excited ka ba? Kasi ako hindi ! haha. Nagsimula na ang Love Month at ito ang buwan kung saan nagsisitalbugan ang mga pusong mga magkasintahan. Buti na lang… Single ako. Pero malay natin, bago mag ika-14 …eh…. Makahabol pa? Biro lamang.
          Excited ulit ako sa Taping naming kasi gusto ko na ring maedit yun ng maganda. >_<