MGA NILALAMAN

Saturday, June 30, 2012

Kuwento ni Mabuti



Kuwento ni Mabuti
Genoveva Edroza- Matute
           
            Ang akdang ito ay isag Halimbawa ng isang Maikling Kwento at ito rin ay tiyak na kapupulutan ng Aral na maari nating ilapat sa pakikipagkapawa at pakikipaghalubilo sa ibang tao.

Ibong Mandaragit


Ibong Mandaragit
Ni Amado Hernandez

            Ang akdang ito ni Amado Hernandez ay maihahalintulad din sa isa pa niyang akda na pinamagatang Luha ng Buwaya. And Nasabing mga akda ay may pagkakahalintulad sa iba nitong mga nilalaman, ang ilang mga pangyayari at mga pinagdadaanan ng mga tauhan.
            And mga nasabi ring akda ay maituruing natin na iisa lamang ang pinupunto o pinapaksa.

Monday, June 25, 2012

Luha ng Buwaya


Luha ng Buwaya

Ni Amado Hernandez


            Ang akdang  ito  ni Amado Hernandez  ay pumapatungkol sa  maling pamumuno at pamamahala  ng pamilya Grande  sa mga mamamayan ng Bayan ng Sampilong .
             Umiikot ang kwento ng Luha ng Buwaya sa tunggalian ng mayayamang may-ari ng lupa at ng kanilang mga inaaping magsasaka sa bayan ng Sampilong ilang taon matapos ang pananakop ng mga Hapones. Nagsimula ang kwento sa pag-uwi ni Maestro Bandong Cruz sa Sampilong upang humalili sa dating punong-guro na nagbakaston muna dahil sa karamdaman. Nagkataon naman na magkakaroon ng malaking handaan sina Don Severo at Doña Leona Grande, ang mga pinakamayaman sa Sampilong, bilang pagsalubong sa kanilang dalawang anak na sina Jun at Ninet. Ang magkapatid ay umuwi sa Sampilong mula sa kanilang pagtatapos sa Maynila. Ang pamilya Grande ay lubhang mapang-api sa kanilang mga magsasaka , at hindi lamang ngayong malapit na ang piging ngunit kahit noon pa man. Sila'y lagging walang-awang sumisingil ng mga nagkakapatong-patong na utang ng mga mahihirap na magsasaka. Isang halimbawa ng kanilang kalupitan ay, ilang araw matapos ang handaan, namatay ang asawa ng isang magsasaka dahil hindi pinagbigyan ng mag-asawa ang hiling ng lalaki na huwag munang kunin ang kanilang pera upang mayroon siyang maipambili ng gamot para sa kanyang maysakit na asawa. 
             Dumating ang mga pangyayari sa puntong napuno na ang mga mahihirap na magsasaka at naisip nilang magtayo ng isang unyon para mapangalagaan ang kanilang mga karapatan. Sila ay tinulungan ng butihing punong-guro na si Bandong. Sa tulong nito ay namulat ang isipan ng mga tao sa Sampilong at gumanda ang kalagayan ng mga mamamayan. Ngunit patuloy na umiral ang kasakiman ng mga Grande at tinangka nilang kamkamin ang lupaing kung tawagin ay 'Tambakan' o 'Bagong Nayon' at hinabla ang mga mahihirap upang mapigilan ang kanilang mga plano. Di nagtagal at nakarating ang mga balitang ito sa mga Grande sa pamamagitan ng kanilang katiwala na si Dislaw, ang karibal ni Bandong sa panliligaw sa magandang dalagang si Pina, at sila'y gumawa ng paraan upang matanggal si Bandong sa pagkapunong-guro sa paaralan. Nalaman ni Bandong kung sino ang mga may galit sa kanya at tahasa na siyang nakiisa sa mga plano at hinanaing ng mga maralitang tao ng Sampilong. Sinubukan nilang dalhin ang problema sa korte at ayusin ito sa harap ng hukuman ngunit nagkaproblema sila dahil sadyang maimpluensya ang mga Grande. Di naglaon ay napabalitang ang lupaing iyon ay hindi pala sa mga Grande, at sa halip ay pagmamay-ari ito ng isa nilang kasamahan na si Andres. Sa huli ay napawalang-sala rin ang mga inosenteng mahihirap at nabigyan ng hustisya.

Reflection Log:
            Ang Leksyon ng Akdang ito ay kaya nating makamit ang hustisya sa pamamagitan ng pagkakapit bisg at pagkakaisa upang labanan ang kasakiman at kasamaan dito sa ating mundo.

Kombensyon ng Dula!


 
Mga Kombensyo ng Dula
·                        Aside
·             Soliliquy
·          Monolog

Dalawang Uri ng Pagpapakahulugan



Dalawang Uri ng Pagpapakahulugan


            Natalakay namin sa araw na ito ang tungkol sa Dalawang Uri ng Pagpapakahulugan at ito ay nahahati sa dalaawang uri; ang Konotasyon at Denotasyon.
            Ang Konotasyon at pagpapakahulugang maaaring mag-iba iba ayon sa Saloobin, Karanasan, at Sitwasyon ng Isang Tao o isang pahiwatig.
            At ang Denotasyon nman ay isang pagpapakahulugan na naglalaman ng pangunahing kahulugan ng salita.

Thursday, June 14, 2012

Takdang Aralin #3 (B)





Iba’t Ibang uri ng Pag-ibig

           Ang mga litratong ito ay maiuugnay sa sanaysay na “Ang Pag-ibig” ni Emilio Jacinto. Ang mga ito ay nagpapakita ng Iba’t ibang uri ng Pagmamahal tulad ng pagmamahal sa Kapwa, Kaibigan, at Pagmamahal sa Pamilya.















Iba't Ibang uri ng
Pagmamahal

Takdang-Aralin #3 (A)



Ang Pag-ibig

ni Emilio Jacinto


Reflection Log:

                Ito ay pumapatungkol sa Iba’t ibang uri ng Pag-ibig na matatagpuan sa iba’t ibang panig ng mundo maging sa pagitan ng dalawang tao, sa isang pamilya, at maging sa lipunan. Ito rin ay pumapatungkol sa Kahalagahan ng Pag-ibig sa bawat tao.


Sunday, June 10, 2012

Takdang-Aralin #2


Salitaan
           
            Kami ay gumawa ng isang Salitaan o Diyalogo na pumapatungkol sa pagkakaroon ng makabagong kagamitan.


** Joey: Pare! musta na?


** Carlo: Ok lang naman Pare! Ikaw?


** Joey: Heto ... medyo nahihirapan sa pag-aaral..


** Carlo: Oh? Bakit naman?


** Joey: Kulang kasi ang mga aklat ko may alam ka bang paraan para dito?


** Carlo: Aha! may alam akong solusyon diyan at iyon ay ang Aypad !


** Joey: Ah... Aypad.. Ano iyon?


** Carlo: Ito ay isang teknolohiya na maari mong magamit sa pag-aaral.


** Carlo: Nakatulong rin ito sa aking pag-aaral at kung may ipon ka ay makakabili ka nito.


** Joey: Tama! Maari kakong makabili nito! Tiyak na mapapadali ang pag-aaral ko! Salamat Carlo!



Friday, June 8, 2012

Takdang-Aralin #1

Sa aking mga Kababata
Gat’ Jose P. Rizal

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa langit salitang kaloob ng langit
Sanlang kalayaan nasa ring masapi

Katulad ng ibong nasa himpapawid
Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian


At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda

Kaya ang marapat pagyamanin kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,


Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel,
Sapagkat ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggagawad, nagbibigay sa atin.
Ang salita nati’y tulad din sa iba


Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.



Repleksyon:
          Ito ay pumapatungkol sa pagpapahalaga sa sa ating sariling wika. Nais nitong iparating sa mga mababasa na tayo ay biniyayaan ng SARILING WIKA at hindi na nating kailiangan na umngakop sa ibang wika tulad ng Latin, Kastila at iba pa. Kailangan lamang natin itong bigyang pagpapahalaga at unti unting linangin para sa ikabubuti ng ating Wika .