Ni Amado Hernandez
Ang akdang ito
ni Amado Hernandez ay pumapatungkol sa maling pamumuno at
pamamahala ng pamilya Grande sa mga mamamayan ng Bayan ng Sampilong
.
Umiikot
ang kwento ng Luha ng Buwaya sa tunggalian ng mayayamang may-ari ng lupa at ng
kanilang mga inaaping magsasaka sa bayan ng Sampilong ilang taon matapos ang
pananakop ng mga Hapones. Nagsimula ang kwento sa pag-uwi ni Maestro Bandong Cruz
sa Sampilong upang humalili sa dating punong-guro na nagbakaston muna dahil sa
karamdaman. Nagkataon naman na magkakaroon ng malaking handaan sina Don Severo
at Doña Leona Grande, ang mga pinakamayaman sa Sampilong, bilang pagsalubong
sa kanilang dalawang anak na sina Jun at Ninet. Ang magkapatid ay umuwi sa
Sampilong mula sa kanilang pagtatapos sa Maynila. Ang pamilya Grande ay lubhang
mapang-api sa kanilang mga magsasaka , at hindi lamang ngayong malapit na ang
piging ngunit kahit noon pa man. Sila'y lagging walang-awang sumisingil ng mga
nagkakapatong-patong na utang ng mga mahihirap na magsasaka. Isang halimbawa ng
kanilang kalupitan ay, ilang araw matapos ang handaan, namatay ang asawa ng
isang magsasaka dahil hindi pinagbigyan ng mag-asawa ang hiling ng lalaki na
huwag munang kunin ang kanilang pera upang mayroon siyang maipambili ng gamot
para sa kanyang maysakit na asawa.
Dumating ang mga pangyayari sa puntong napuno na ang mga mahihirap na
magsasaka at naisip nilang magtayo ng isang unyon para mapangalagaan ang
kanilang mga karapatan. Sila ay tinulungan ng butihing punong-guro na si
Bandong. Sa tulong nito ay namulat ang isipan ng mga tao sa Sampilong at
gumanda ang kalagayan ng mga mamamayan. Ngunit patuloy na umiral ang kasakiman
ng mga Grande at tinangka nilang kamkamin ang lupaing kung tawagin ay
'Tambakan' o 'Bagong Nayon' at hinabla ang mga mahihirap upang mapigilan ang
kanilang mga plano. Di nagtagal at nakarating ang mga balitang ito sa mga
Grande sa pamamagitan ng kanilang katiwala na si Dislaw, ang karibal ni Bandong
sa panliligaw sa magandang dalagang si Pina, at sila'y gumawa ng paraan upang
matanggal si Bandong sa pagkapunong-guro sa paaralan. Nalaman ni Bandong kung
sino ang mga may galit sa kanya at tahasa na siyang nakiisa sa mga plano at
hinanaing ng mga maralitang tao ng Sampilong. Sinubukan nilang dalhin ang
problema sa korte at ayusin ito sa harap ng hukuman ngunit nagkaproblema sila
dahil sadyang maimpluensya ang mga Grande. Di naglaon ay napabalitang ang
lupaing iyon ay hindi pala sa mga Grande, at sa halip ay pagmamay-ari ito ng
isa nilang kasamahan na si Andres. Sa huli ay napawalang-sala rin ang mga
inosenteng mahihirap at nabigyan ng hustisya.
Reflection
Log:
Ang
Leksyon ng Akdang ito ay kaya nating makamit ang hustisya sa pamamagitan ng
pagkakapit bisg at pagkakaisa upang labanan ang kasakiman at kasamaan dito sa
ating mundo.
No comments:
Post a Comment