MGA NILALAMAN

Wednesday, July 25, 2012

Buod ng Noli me Tangere

Reflection Log:
          Sa araw na ito, tinalakay naming ang Buod ng Noli me Tangere. Tinalakay rin namin ang ilan sa mga bahagi na tumatak sa isipan ng mga mambabasa nito.


Pagsulat ng Liham




Pagsulat ng Liham


Pagsulat ng Liham
          Natalakay din namin an gang tungkol sa pagsulat ng isang liham. Mahalag na magkaroon tayo ng sapat na kaalaman tungkol sa pagbuo ng Liham dahil ito ay tiyak na maktutulong sa atin lalo na sa pakikipag-ugnyan sa mga matataas na pinuno na ating Lipunan. Ang Liham rin ay ang pormal na pagpapadala ng mensahe sa isang tao.

Thursday, July 19, 2012

Besprends Poreber !


Besprends Poreber!
            Kaibigan, Friend, Tol, Bro, Bff at iba pa! Ilan lamang yan sa mga tawagan ng mga magkakaibigan na nauuso sa kasalukuyan. Ngunit kahit ng may iba ng tawag sa iyong kaibigan, hindi pa rin nagbago ang tunay na kahulugan ng Kaibigan.
            Kapag sinabing KAIBIGAN, ano kaagad ang pumapasok sa isipan mo? Hmmm…? Ano pa nga ba? Nakatanim na sa isipan ng ilan na ang Kaibigan ay ang nag-iisang tao na maari mong sandal, karamay sa bawat problema, at isama sa mga masasayang alaala sa iyong buhay.
            Sinu-sino nga ba ang mga taong maari kong maging Kaibigan? Depende iyan sa mga katangian na gusto mo sa isang taong gusto mong maging kaiigan. Ang tunay na kaibigan ay maasahan sa lahat ng bagay, at higit sa lahat, ang taong hindi ka hahayaang malaglag.
            Ang isang Kaibigan ay ilan lamang sa mga taong mahalaga sa buhay ng isang indibidwal. Huwag natin silang bigyan ng dahilan para layuan tayo, bagkus panatilihin natin ang mga magandang samahan kasama sila para tayo’y magkaroon ng Besprends Poreber !

Poster ( Walang Panginoon )


            Ang poster na ito ay pumapatungkol sa ideyang nilalaman ng Kwentong Walang Panginoon ng Deogracias Rosario. Sa Unang bahagi ng kwento ay naririnig ni Marcos ang Batingaw ng Orasan at sa mga oras na iyon ay naalala niya ang pagkamatay ng kanyang mga mahal sa buhay na sina Anita at ang kanyang ama. Ang Hating kandila ay nagpapakita naman ng pagkaputol ng paghihinagpis ni Marocs matapos ng mga pagdurusa niyang naramdaman mula Don Teong.


Tuesday, July 10, 2012

Walang Panginoon


Walang Panginoon
Ni Deogracias Rosario

            Ang Akdang ito ay tungkol sa Paghihiganti ni Marcos kat Don Teong, ang sakim na kumukuha ng Lupa ni Marcos.

Walang Panginoon ni Deogracias Rosario ( Isang Maikling Pagsasadula)

  



    Ito ay isang maikling pagsasadula ng Dulang "Walang Panginoon". Napakita sa Video na ito ang mga mahahalagang pangyayari sa Loob ng Kwento.

Tuesday, July 3, 2012

Paggawa ng Poster



           Ang Poster na ito ay nagpapakita ng Pagmamahal sa Kapwa at maging sa ating Lipunan na maihahalintulad din natin sa nilalaman ng akdang “ Ang Pag-ibig” ni Emilio Jacinto. Ang mensahe ng poster ko na ito ay ang Himalang resuta ng Pangingibabaw ng Pagmamahal at Pagkakaisa ng bawat mamamayan ; ang Kapayapaan at Kasaganahan.

Slogan



   " Ang Kasamaan ang siyang sisira't lalamon sa mga kaisipan ng makamundong mga tao"

         Ang Slogan na ito ay maihahalintulad sa mga katangian ng Pamilya Grande, ang pagiging Sakim at Malupit sa kapwa. Ang nais iparating na aking slogan na ito ay huwag nating hayaan na maimpluwensyahan tayo ng Kasamaan dahil maari itong maging sanhi ng pagksira n gating buhay.

Jaguar




Jaguar
Ni Jose F. Lacaba
      
    Ang akdang ito ni Jose F. Lacaba ay isang halimbawa ng Dula. Ito ay pumapatungkol sa isang Gwardya na si Poldo. Ito rin ay Halimbawa ng isang Drama. 

Monday, July 2, 2012

Mga Uri ng Maikling Kwento.


Mga Uri ng Maikling kwento
          Katulad ng Iba pang uri ng panitikan, ang maikling kwento ay mayroon ding iba’t ibang uri.
            Ito ang Trahedya, Komedya, Satira, Romansa, at Realismo. Ang Maikling kwento rin ay inuuri rin andg maikling kwento ayos sa istraktura, paksa, at teknika.