MGA NILALAMAN

Thursday, July 19, 2012

Besprends Poreber !


Besprends Poreber!
            Kaibigan, Friend, Tol, Bro, Bff at iba pa! Ilan lamang yan sa mga tawagan ng mga magkakaibigan na nauuso sa kasalukuyan. Ngunit kahit ng may iba ng tawag sa iyong kaibigan, hindi pa rin nagbago ang tunay na kahulugan ng Kaibigan.
            Kapag sinabing KAIBIGAN, ano kaagad ang pumapasok sa isipan mo? Hmmm…? Ano pa nga ba? Nakatanim na sa isipan ng ilan na ang Kaibigan ay ang nag-iisang tao na maari mong sandal, karamay sa bawat problema, at isama sa mga masasayang alaala sa iyong buhay.
            Sinu-sino nga ba ang mga taong maari kong maging Kaibigan? Depende iyan sa mga katangian na gusto mo sa isang taong gusto mong maging kaiigan. Ang tunay na kaibigan ay maasahan sa lahat ng bagay, at higit sa lahat, ang taong hindi ka hahayaang malaglag.
            Ang isang Kaibigan ay ilan lamang sa mga taong mahalaga sa buhay ng isang indibidwal. Huwag natin silang bigyan ng dahilan para layuan tayo, bagkus panatilihin natin ang mga magandang samahan kasama sila para tayo’y magkaroon ng Besprends Poreber !

No comments:

Post a Comment