MGA NILALAMAN

Friday, March 15, 2013

P.S. ByeBye!!


Dear Diary,
            Hansaya ng araw na ito dahil nanalo ang pelikula naming “Banyaga” sa isinagawang Short Films Awards ng aking mga kamag-aral na pinangunahan ng aming guro sa Filipino III na si Gng. Mixto. Pinangaralan din ang mga may Blog na nangibabaw ngunti hini ako kasama doon. Alam ko naman na iyon sa una pa lang dahil nagpokus na ako sa iyo at hindi ko na nagawang bigyang reaksyon ang iba pa naming tinatalakay. Pero ok lang…… may certificate naman ako sa Short Films e.
          Napanalunan ng aming grupo ang mga sumusunod:
·       Mary Grace Duero – Pinakamagaling na Aktres
·       Kate Gabin – Pinakamagaling na ikalawang Aktres
·       Pinakamahusay sa paglapat ng musika
·       Pinakamagandang Sinematograpiya
·       Pinakamagandang Maikling Pelikula
Blessed na Blessed talaga ako dahil madami kaming napanalunan at iyon ay dahil sa aming mga paghihirap matapos lang ang pelikulang iyon! Umabot na rin sa 300+ an gaming views sa Youtube! Panis diba? Haha
Napasa na rin namin ang aming proyekto sa English at sana’y pumasa kami doon. Papasa yan… TIWALA LANG!
Baka heto na rin ang aking maikukwento sa iyo! Ito na kasi ang huli kong post sa Blogger(Baka?) At madami na rin akong kailangan asikasuhin pagdating ng Fourth Year kasama na doon ang Campus Journalism.
Babay na Diary ko!! At sa mga nanalo pala kanina….. KUDOS EVERYONE! We Deserve it !! pero Banyaga pa rin ako! Hahaha

Thursday, March 14, 2013

Ako.Good.Boy


Dear Diary,
            Nagulat talaga ako kanina ng papunta na ako sa aming paaralan, sa 102 ay may biglang kumapit sa akin na matanda. Nakaka-awa kaya tinulungan ko siya. Sasakay daw siya papuntang LRT, nagbiglang bumulong sa akin… “Noy, Penge Sampumpiso”. Gusto ko sanang bigyan kaya lang wala na rin akong pera. Buti na lang at tinulungan pa ako ng isa pang estudyante ngunit hindi ko alam kung saan school siya galing. Hanggang nang makasakay na ako sa tricycle ay natatanaw ko pa rin ang matanda na naghihintay ng jeep. Nakakaawa talaga siya.

Wednesday, March 13, 2013

Bugbog na ako!!



Dear Diary,
         Hindi ko na talaga makaya ang mga gawaing kailangan ko pang tapusin. Dumagdag pa dito ang aking mga irereview, at MAHIRAP SILANG LAHAT. Ang magagawa ko na lang ngayon ay ang MAGPUYAT. Bugbog na talaga ako!!

Tuesday, March 12, 2013

Two Days Left



Dear Diary,
          Martes na, at hanggang nagyon ay hindi pa ako nakakapagreview . Aguy ako nito dahil tambak din ako sa mga gawain kung kaya't mas minabuti kong unti-untiin ang mga gawaing iyon kaya ayun....puyat na naman ako.

Monday, March 11, 2013

Ako.Si.Speaker



Dear Diary,
          Kinabahan talaga ako kanina..... akala ko ay hindi ko iyon magagawa g maayos, pero I Made it! Buti at medyo interesting ang topic kokung kaya't nagawa kong makuha ang atensyon ng aing mga kamag-aral. Medyo may pagkukulang nga lang ako pafdating sa pagsasalita. Pero ayos naman daw.

Sunday, March 10, 2013

SPEECH



Dear Diary,
          Naubos na naman ang oras ko sa paggawa ng aking speech para bukas. Hindi tuloy ako nakapagsimba. Buti na lang at madali lang ang tema na aking napili… kaya ayun!mabilis ko lang itong natapos. Matapos noon ay ginugol ko naman ang aking ras upang iensayo ang aking speech. Sana pasado ako bukas !hihi

Saturday, March 9, 2013

MURAL PAINTING


Dear Diary,
        Painting na naman ang inatupag ko ngayon. Naging mahirap ng kaunti, pero masaya naman. Malapit na namin matapos yung background kaso lang.... madami pang objects na kailangan naming ilagay. Pero kaya naman na siguro namain iyong matapos sa Lunes. TIWALA LANG

Friday, March 8, 2013

Lets do the PARTY ROCK !


Dear Diary,
        Sa wakas !! Natapos na din ang aming Aerobics Presentation sa MAPEH. Masaya kasi lahat kami naka-100%. PANIS? Pero ang totoo talaga.. kapag nakapagpresent ka ay 100 talaga ang Grade mo.

Thursday, March 7, 2013

BERD.TERP


Dear Diary,
        Palpak na naman ang aming concept para sa aming mural. Hindi namansa sobrang palpak, may pagkukulang lang talaga ang aming grupo nang iyon ay ginawa namin… at iyon ay ang OIL PASTEL. Hindi kasi namin natapos ang pagkulay dito… kaya ayun…. 

Wednesday, March 6, 2013

AEROBICS Rocks !


Dear Diary,
            Matapos kong gawin ang aking mga kailangan pang gawin tulad na lang ng hindi namin matapos-tapos na Investigatory Project sa Chemistry, Mural Painting sa TLE, at Caricature sa English.... eh.... inatupag ko naman ang aming Aerobics presentation sa MAPEH. Ako kasi ang Leader kung kaya ay ako rin ang gumawa at naghanap ng mga magagayang steps. Bahala na si Batman kung anong kakalabasan nito bukas... pero for sure... Masaya to !

Tuesday, March 5, 2013

Tsarap ng Ays Keyndy !


Dear Diary,
           Not just one, not just two, not just three, but Four Ice Candies ang nakain ko kaninang uwian.Wala talagang tatalo sa Ice Candy na yun. May sago tapos malambot, parang Ice Cream. Buti na lang at hindi sumakit ang tiyan kooooo.

Monday, March 4, 2013

Monday Strikes !


Dear Diary,
            Monday na naman. Pagkapasok ko kanina, inaantok pa ako. Hindi ko talaga mapigilang maipikit ang aking mga mata. Buti na lang at nawala din pagdating ng oras ng asignaturang Ingles dahil araw ng speech  ngayon at magaganda ang topic na kanilang tinalakay kanina. Relate much?? (haha)

Sunday, March 3, 2013

Lets go to the Church !

Dear Diary,
            Hayahay ang Buhay ! AnSarap talaga magsimba lalo na kapag kasama ang buong pamilya ! Kasama na naman namin ang aking mga pamangkin pati rin ang panganay kong kapatid. Matapos naming pumunta sa Church ay umuwi agad kami at nagbonding ulit dito sa bahay. Saya !

Saturday, March 2, 2013

RIP BLUETOOTH


Dear Diary,
          BAKIT?!?! Kainis naman nuh. ! Tuluyan ng nasira ang aming Bluetooth Device, at hindi ko alam kung bakit. Siya pa naman ang nagpapasa ng mga pictures ko mula sa phone ko papunta sa PC namin, kung kaya ay mayaman ang mga posts ko sa pictures.... yung iba! Pero ganoon talaga.... ika nga Lahat ng bagay may may katapusan, at sana ay maging masaya ka sa bagong mong tahanan...... sa trash can!

Friday, March 1, 2013

MIXED EMOTIONS


Dear Diary,
          Exhibit na namin ! Ansaya kasi makikita ko na yung mga obra ko at makikita na din ng iba ! Madaming nasiyahan, pero mayroon pa ding hindi. Pero sa aming mag Art Enthusiast, ART IS FUN !
        Pero ang bagay naman ng nakapagpalungkot sa akin ay.... hindi akio nanalo sa  SSG ELECTIONS. Nanghihinayang ako sa points. Siguro kung may Debate lang na isinagawa ang SSG Officers ay tiyak ko ay madedefend ko pa ang sarili ko. Pero ganoon talaga, sabi ko nalangsa sarili ko ay mayroon pa namang Campus Journalism... doon na lang ako babawi. HIHI