Kami ay naatasan upang ibigay ang normal na anyo ng mga
pinaikling salita na ginamit sa loob ng akdang “Dekada ‘70”.
Monday, August 27, 2012
Mga Pangyayaring naganap sa Dekada '70
Kami ay naatasan upang
ibigay ang mga pangyayaring naganap sa loob ng akdang naganap rin sa tunay na
buhay. Ilan na dito ay ang Marshall Law at Pagpapatupad ng Curfew Hours.
Indibidwal na Gawain
Indibidwal na Gawain
Kami ay binigyan ng Gawain ni Bb. Baldevieso kung saan
kami ay binigya ng ilang mga salita at kailangan naming ibigay ang kanilang mga
Salitang Ugat, Anyo, Pormalidad, at Pinagmulan.
Takdang-Aralin (ulet)
Takdang Aralin
Kami ay naatasan
upang ibigay an gaming mga opinyon patungkol sa akdang “Kahapon, Ngayon, at
Bukas” ni Aurelio Tolentino. Ang Gawaing ito ay nahahati sa dalawa ; ang unang
bahagi ay naglalaman ng aming mga saluobin patungkol sa mga katangiang dapat
pahinain at palakasin ng mga tauhan sa akda at ang pangalawa nman ay upang
ibigay ang Bisang Pandamdamin at Bisang Pangkaisipan matapos mabasa ang akda.
Buod ng Dekada '70
Buod ng Dekada ‘70
Ang akdang “ Dekada ‘70” ni Lualhati Bautista ay isang
halimbawa ng akdang nagpapakita ng Teoryang Realismo kung saan sapilitang
inilalahad ng isang manunulat ang tunay na mga gawi at pananalita ng mga
tauhang nakapaloob sa akda. Ang nobela ay umikot sa pamumuhay ng pamilyang
Bartolome kung saan dumaan sila sa iba’t ibang problema sanhi na rin ng sa
kalupitan ng administrasyong Marcos.
Ikaapat ng Pangkatang Gawain
Ikaapat na Pangkatang Gawain
Sa Gawaing ito, kami ay ipinangkat sa anim at ang aming
pangkat ay naatasan upang ibigay ang mga hinihinging impormasyon patungkol sa
mga sumusunod na salita:
·
Pinoproblema
·
Kinilabot
·
Colonial Mentality
·
Tumakbo
·
Binuklat
Ibinigay
naming ang mtga hinihinging impormasyon tulad ng Anyo, Pormalidad, at Pinagmulan
ng mga nasabing salita
Ikatlong Pangkatang Gawain
Ikatlong Pangkatang Gawain
Kami ay naatasang upang ibigay ang reaksyon patungkol
sa mga sumusunod na bagay:
· Pagtatalik ng hindi
pa kasal ( PreMarital Sex)
· Pagganap ng mga magulang
sa kanilang mga anak.
Ang aming mga kasagutan ay ayon lang
rin sa aming mga pinagsama-samang reaskyon at guni-guni patungkol sa paksa.
Ikalawang Pangkatang Gawain
Ikalawang Pangkatang Gawain
Kami ay naatasan upang bigyan pagpapahulugan at sabihin
kung ang nabigay sa aming Diyalogo mula sa akdang “ Kahapon, Ngayon, at Bukas”ay
isang halimbawa na nagpapakita ng Klasisismo.
Ang naiatas sa aming pahayag
ay, Inang Bayan: Sa dibdib ko’y masisilip
ang dalisay kong pag-ibig, ang kaluluwa kong malinis, ang mga banal kong nais
na sa atin ay bibigkis ang puso ta’y nang magkatalik. Masasabi naming ito
ay isang halimbawa ng Klasisismo dahil ayon sa kahulugan ng Teoryang
Klasisismo, ito ay nagpapakita na may pinag-aralan ang mga tauhan at sila rin
ay gumagamit ng matatalinghagang salita.
Sumisimbulo sa aking BuhaY
“ Isang Puno ”
|
Ano ang bagay na sumismbulo
sa iyong buhay?
Ang aking buhay ay
maihahalintulad ko sa isang Puno. Katulad ng isang Puno, may oras na ang
aking buhay ay unti unting naglalagas. Sa oras na mga iyon ay tila inulin ako
ng maraming problema ngunit Matapos ng mga pagdurusang ito, sa takdang panahon
ay muli itong sisibol ay magbibigay ng kagandahan at kasiyahan sa aking
kapaligiran.
Sunday, August 19, 2012
Teoryang Klasisismo
Teoryang Klasisismo
Ang
teoryang ito ay nagmula sa bansang gresya. Ito ay tumutukoy sa kaisipang kung
saan Kaisapan muna bago ang damdamin. Makikitaan ng pagpapahalag sa
Pagpapaliwanag. Matahimik ang istilo ng mga tradisunal na Anyong Pampanitikan.
Larawan: http://www.printableonlinegiftcertificates.com/blog/wp-content/uploads/2008/12/classic-books.jpg
Bisang Pangkaasalan
Bisang Pankaasalan
Ang Bisang Pangkaasalan ay tumutukoy sa pagbabagong naganap
sa iyong pananaw sa mga kaisipang nakapaloob sa akda matapos itong basahin.
Bisang Pangkaisipan
Bisang Pangkaisipan
Ang Bisang Kaispian ay katulad din ng Bisang
Pandamdamin na tumutukoy sa pagbabagong naganap ngunit hindi sa damdamin kundi
sa iyong isipan. Marahil ito ay tumutukoy sa natutunan sa mga pangyayari sa
loob ng akda.
Larawan:http://3.bp.blogspot.com/-orPsQ3hMxRw/Tu1IY6UnNpI/AAAAAAAAAj0/EhSiv8WWygc/s1600/OpenYourMind1.jpg
Bisang Pandamdamin
Bisang Pandamdamin
Ang Bisang Pandamdamin ay tumutukoy sa pagbabagong
naganap o masasabi nating naging epekto sa iyong damdamin at emosyon matapos
basahin ang isang partikular na akda.
Monday, August 13, 2012
Unang Pangkatang Gawain.
Sa Pangkatang Gawain na
ito, kami naatasan upang ibigay ang mga kasagutan patungkol sa akdang “Ang
Guryon” ni Ildefonso Santos partikular sa katanungan kung saan kailangan naming
ibigay ang imaheng nabuo sa aming kaisipan matapos naming mabas ang nasabing
akda.
Monday, August 6, 2012
Ang Guryon
Ang Guryon
Ni Ildefonso Santos
Tanggapin
mo anak, itong munting guryon
Na yari sa patpat at “papel de Hapon”
Magandang laruan pula, puti, asul
Na may panagalan mong sa gitna naroon.
Na yari sa patpat at “papel de Hapon”
Magandang laruan pula, puti, asul
Na may panagalan mong sa gitna naroon.
Ang
hiling ko lamang, bago paliparin,
Ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
Ang solo’t paulo’y sukating magaling
Nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.
Ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
Ang solo’t paulo’y sukating magaling
Nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.
Saka,
pag umihip ang hangin, ilabas
At sa papawiri’y bayaang lumipad;
Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,
At baka lagutin ng hanging malakas.
At sa papawiri’y bayaang lumipad;
Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,
At baka lagutin ng hanging malakas.
Ibigin
ma’t hindi, balang araw, ikaw
Ay mapapabuyong makipagdagitan;
Makipaglaban ka, subalit tandaan
Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.
Ay mapapabuyong makipagdagitan;
Makipaglaban ka, subalit tandaan
Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.
At
kung ang guryon mo’y sakaling madaig
Matangay ng iba o kaya’y mapatid;
Kung saka-sakaling dina mapabalik
Maawaing kamay nawa ang magkamit!
Matangay ng iba o kaya’y mapatid;
Kung saka-sakaling dina mapabalik
Maawaing kamay nawa ang magkamit!
Ang
buhay ay guryon: marupok, malikot,
Dagiti’y dumagit saan man sumuot…
O, piliparinmo’t ihalik sa Diyos,
Bago patuluyang sa lupa:’y sumubsob!
Dagiti’y dumagit saan man sumuot…
O, piliparinmo’t ihalik sa Diyos,
Bago patuluyang sa lupa:’y sumubsob!
Friday, August 3, 2012
Stupid Cupid
Ang
Gawaing ito ay isang pagsasanay sa aming kakayahan na sumulat ng iskrip ng
isang kwento o dula. Dito naming nagamit an gaming mga kakayahan sa pagsulat ng
isang Akda na gumamit ng mga mabubulaklak na salita at ang higit sa lahat, ang pagsunod
ng mga Pamantay at Pormat ng isang Dula.
Pagsusulit
Ang Pagsusulit na ito ay pumapatungkol sa mga
natalakay naming Aralin sa Akdang Noli me Tangere at mga Paraan na ginamit ni Rizal sa pagsulat nito.
Nakakalitong Pagsusulit [ try mo? ]
Ang
gawaing ito ay sumubok sa aming pag-iisip sa pagsasagot ng isang Pagsusulit.
Ito ay isang mahalagang bagay na kailangan natin sa Pagsasagot ng mga
Pagsusulit
PagpapaKahulugan
Sa gawaing ito , kami ay naatasang sumulat ng isang
mababaw na pagpapaliwanag ukol sa mga Pampanitikang ginamit sa ilang mga
kabanata sa Noli me Tangere.
Siya na! Dabest siya e!
Ito
rin ay isang sanaysay na pumapatungkol naman sa aking Matalik na Kaibigan.
Katulad ng ilang sanaysay, ito rin ay naglalarawan sa isang partikular na Ideya
o Bagay.
Yan ang Titser ko!
Ang sanaysay na ito ay pumapatungkol sa ilan sa aking
mga gurong kinagiliwan ko sa aking buhay hayskul. Nilalaman nito ang mga
katangian nila.
Subscribe to:
Posts (Atom)