MGA NILALAMAN

Monday, August 27, 2012

Ikalawang Pangkatang Gawain



Ikalawang Pangkatang Gawain
           
       Kami ay naatasan upang bigyan pagpapahulugan at sabihin kung ang nabigay sa aming Diyalogo mula sa akdang “ Kahapon, Ngayon, at Bukas”ay isang halimbawa na nagpapakita ng Klasisismo.
Ang naiatas sa aming pahayag ay, Inang Bayan: Sa dibdib ko’y masisilip ang dalisay kong pag-ibig, ang kaluluwa kong malinis, ang mga banal kong nais na sa atin ay bibigkis ang puso ta’y nang magkatalik. Masasabi naming ito ay isang halimbawa ng Klasisismo dahil ayon sa kahulugan ng Teoryang Klasisismo, ito ay nagpapakita na may pinag-aralan ang mga tauhan at sila rin ay gumagamit ng matatalinghagang salita.


No comments:

Post a Comment