MGA NILALAMAN

Monday, December 31, 2012

Happy New Year !



Dear Diary,
        
         Yehey ! New year na! Busy na naman kaming lahat ! Madami na namang pagkain kanina kaya sobrang busog talaga ako. Kaninang umaga, maaga na namang umalis ila ate para mamili ng iba pang kakailanganin sa kanilang mga lulutuin habang ako naman kasama ang aking nakabubunsong kapatid ay naglinis ng bahay. Kasama din namin ang aking pamangkin na si Miabella at ang kanyang daddy. Matapos naman noon ay dumating na sila ate at deretso luto agad.
          Pagdating naman ng Hapon ay dumating na ang aking Kuya kasama ang kaniyang asawa at ang aking isa pang magandang pamangkin na si Yumi. Tumulong na din ang aking Kuya sa mga Gawain kanina.
          Pagpatak ng ika-11 ng gabi ay dumating na ang napakadaming bisita AKA “Kapitbahay” upang makikain . Hindi naman kami nagdamot maging sila ay binigyan din kami ng pagkain.
          Pagdating ng ika-12 ng gabi ay nagsihiyawan kaming lahat . Sobrang saya talaga ng oras na iyon! Nagsikainan na din kami ! Sobrang Saya talaga ng oras na iyon! HAPPY NEW YEAR !

Sunday, December 30, 2012

Family Bonding !



Dear Diary,
          
            Ngayon na lang ulit ako nagising ng medyo tanghali. Naging mahimbing ang tulog naming lahat kasi nga malamig na ang panahon. Pagkagising namin, nagluto na rin sila ate ng masarap na almusal. Matapos noon ay nagligpit na kami ng mga gamit at kalat sa bahay. Matapos noon ay inayos na din ng aking kuya an gaming karaoke set, ang pagkanta kasi ay an gaming Libangan tuwing ganitong mga okasyon. Symepre, matapos noon ay nagpiktyur-piktyur na din kami sa labas n gaming bahay kasama an gaming magagandang mga pamangkin.

Saturday, December 29, 2012

Bye MAKATI, Hello ANTIPOLO [again]

[ Miabella Loriane, Cute niya no?—Nagmana kasi Sa akin !]
Dear Diary,
          Sayang ! Nagulat talaga ako nang tumawag si ate na Uuwi na kami ngayon sa Antipolo ! Akala ko bukas pa, gagala pa naman sana kami mamayang gabi. Pero ok na din kasi sa maikling oras na iyon ay nakapagbonding naman kami ng aking mga pinsan sa Makati ! Dali-dali kaming nag-ayos na ng Gamit kanina. Buti na nga lang at hindi kami nahuli. Pumunta agad kami sa Jeepney Station papuntang FTI para pumunta naman ulit sa bahay ng aking ate sa isa pang barangay sa Makati dahil sa kanya kami sumabay pauwi dito sa Antipolo lulan ng isang Taxi kasama ang kanyang asawa at ang aming napakaCute na pamangkin. Pagdating namin dito sa Antipolo, dinumog na naman siya ng mga baliw kong ate. Pagkatapos noon ay nagsikainan na din kami ng buong pamilya !

Friday, December 28, 2012

Buhay Prinsipe


Dear Diary,
          Maaga na naman ako nagising ! Dahil nga miss na miss ko ang Makati, maaga din akong nagising.. paralang manuod sa Cable ! Palagi kasi akong nanunuod sa Discovery Channel noong ako pa ay nag-aaral dito sa Makati at ako pa noon ay nasa Unang Taon. Lumakas din ang kain ko , kasi madaming pagkain.. ika nga.. Eat all you can! Dahil nga din madami akong naipong pamasko mula sa aking mga Tiyahin, bumili na rin ako ng mga gamit na kakailanganin ko sa paaralan tulad na nga lang ng mga Kuwaderno, Clear Book, at mga Panulat !
[ Want some Chestnuts?]
Unang Beses ko lang rin natikman ang kakaibang pagkain na ito. Ang Tawag dito ay Chestnut ! Masarap siya Super [parang kamote lang, pero matamis !]. Ako pa ang nakaubos nito nung kumakain kami ng aking mga pinsan . Isa na namang masayang araw na hindi ko makakalimutan.


Thursday, December 27, 2012

Ian Goes MAKATI !



Dear Diary,
             
          4:30 AM ! Oras na mahimbing na mahimbing ang tulog ng mga tao at IYON ang oras na ginising ako ni Papa. Ganoon talaga ! Ginusto ko din namang pumunta sa Makati. Nagmamadali pa si papa na umalis dahil huli na siya sa kaniyang duty. Umuulan pa kanina pero hindi pa din kami nagpatinag ! Ngunit dahil nga inis na inis na si Papa kanina, nagTaxi na lang kami papunta sa Makati. Kala namin ay mataTraffic kami kanina ngunit nakarating na kami dito sa loob lamang ng 30 minuto! Pagdating naming dito ay tulog pa sila . Maya-maya din ay nagising na aking aking pinsan na si Kriztine. Wala kaming magawa noon kaya nagPiktyur-piktyur muna kami sa iPad ng aming tita. Hanggang nag-almusal na kami!

Wednesday, December 26, 2012

Movie Marathon Tayo !



Dear Diary,
            
          Maaga na naman ako nagising ngayon ! Hindi ko alam kung bakit ba ako ganito [siguro nasanay na ako]. Maaga ring nagising si Papa para lang manuod ng mga palabas. Sumunod namang nagising ang isa kong ate. Ayun! Naisipan naming mag Movie Marathon ! Nagsimula kami kanina ng ika-7 ng umaga. Puro Horror ang pinanuod naming. Ang Aga-aga pa lamang kanina ay tili na ng tili si ate, na siya namang gumising sa isa ko pang ate. Hanggang dumami ng dumami kaming magkakapatid na nanuod, mas lumakas ang tilian! Buti na nga lang at magtatanghali na noon ! Natapos kaming manuod ng palabas ng ika-10 ng Umaga. Pagkatapos noon ay Paglilinis naman ng aming bahay ang nagpagtripang gawin.

          

Tuesday, December 25, 2012

Christmas Day !



Dear Diary,
         
         Merry Christmas ! Ayun, pagkain na naman ang napagintirisan ko ngayon. Kahit hindi ako tumataba…. Kain pa din! Kaya lang , kakaunti lang kami ngayon dahil wala ang iba kog kapatid..kaya iyon…. Kaunti lang din ang mga pagkain.

Pero ok Lang dahil madami naman akong regalo! Buti na lang talaga at madami akong regalo [ parang bata lang ]. Kahit kakaunti lang kami ay naipagdiwang pa rin naming 

Monday, December 24, 2012

Marikina Escapade ! WhoOoo!


Dear Diary,
[Galit siya sa salitang “only” . Walang pakialaman ng Trip! Haha]
          Its been a very Long day ! Walang kasama si ate para mamili ng mga gifts, kaya sinama niya ako sa Marikina [rush-hour nga ksi mamili!haha] . Madami pa ding namimili doon. Dahil nga madaming inaanak itong ate ko, ayun! Pagod tuloy kami kakahanap kung anung bibilhin tapos sobrang dami pa [kainis]. Pero ok lang ksi nag-enjoy naman ako. Madami kasi akong nakitang mga bagay na nakakatawa . Hindi ko nga alam kung bakit ako ganito, pati ung maliliit  na mali sa isang bagay, mabilis kong nakikita.
[Dagdag pa, ako naman magdadala niyan lahat eh!]
       Syempre, matapos naming mamaili ng aking ate sa Marikina, kailangan din naming mamili ng mga kakailanganin sa Noche Buena mamaya. Kaya mula sa Marikina ay bumababa pa kami sa Cherry Foodarama upang mamili pa ulit [dami stop-over]. Doon ay namili kaming mga Ingredients para sa lulutuin ng aking ate. Matapos noon ay nadagdagan na naman ang aking mga dalahin. Pero ok lang kasi madami din akong nabiling pagkain. Good for One day Lahat. Sobrang Saya na naman ngaraw na to!

Sunday, December 23, 2012

Simba.Simba din !


Dear Diary,
          Dalawang araw na lang, Pasko na! Syempre, dahil malapit na ang kaarawan ni Hesus, nakasanayan na naming magsimba tuwing lingo [ pero nagsisimba talaga ako, kahit hindi disyembre-hahaha]. Medyo masakit pa yung ulo ko kanina dahil sa Sipon ko. Matapos naming pumunta sa Simbahan, biglang nabingi ang aking kaliwang tenga dahil na rin sa Sipon at sobrang sakit nito! . Kaya’t pag-uwi ko sa dito sa bahay ay nagpahinga kaagad ako pero kumain at iminom muna ako ng gamut bago natulog. Buti na lamang at nawala na ung sakit pagkagising ko ngayon. Bingi pa din ako ngayon pero medyo nakakarinig na ng kaunti. Salamat talaga kay Lord !

Saturday, December 22, 2012

Tambay si Ian !


Dear Diary,
        
           Gusto ko ng pumunta ng Makati. Pero sa ngayon, hintay-hintay munakung kailan nga ba kami aalis. As usual, nabored ulit ako kanina. Kala ko pa naman makakapagswimming pa kami kanina, pero iyon.. hindi natuloy [saying!]. Kaya iyon , tumambay nalang ako sa Kapitbahay namin at naglaro ng “Snake&Ladder”. Tapos nakinood din ng Movie sa Kapitbahay.


           Pero, ayun nabored ulit ako. Kaya Inayos ko muna itong aking blog. Damikong inayos habang naga-Update ng Facebook. Bigla namang sumingit itong aking bagong gising na ate. Iyon! Naputol tuloy ang paggamit ko ng Computer. Tsk!

Friday, December 21, 2012

DP Day !


 Dear Diary,
      BOREDOM ! Kapag wala talagang pasok , naboboring ako at hindi talaga ako mapakali.Kaya may ginawa ako kanina. OPLAN AYOS-GAMIT ! Dahil nga magulo ang aking bag, iyon na lang ang aking napagdesisyunang gawin. Inayos ko na rin ang aking mga Portfolio sa English, Values Ed., at sa Chemistry.Pati tuloy yung mga gamit ko pa ng nakaraang taon, napagtripan ko din.
          At Matapos noon, Facebook naman ang aking pinuntirya. Bumungad sa akin ay ang pinakaCute kong picture noong Cultural Show naming sa School. Tapos un na lang ang ginawa kong DP. Inedit ko muna bago ko in-upload. Tapos narealize ko, ang cute kop ala talaga [hahahaha] pero biro lamang iyon. Pagkatapos noon ay hindi ko na namalayanang Oras. Apat na oras na pala akong nagcoComputer [minimum pa un!]. Pinagalitan tuloy ako ni ate..



Thursday, December 20, 2012

Christmas Party nga ba?


Dear Diary,
Heto na! Christmas Party na! Pero parang hindi ko Feel ang Kapaskuhan? Pagdating ko sa aming Paaralan, kaunti pa lamang ang mga tao sa room namin. NakakaBored ! Isa pa sa mga prblemang hinarap kongayon ay ang aking “Tulong sa Pag-aaral – AP” na hindi ko pa natapos at unexpected , 90% pa ang Grade ko ! Lupet. Pati ang aming Science Investigatory Project  ay prinoblema ko din ! Naiwan pa ng kagrupo kong si Heide Cornelio !
After n gaming Chirstmas Party, tumambay pa kami ng panandalian sa aming paaralan (Alam na.. Bonding with Friends) upang pag-iispan kung gagala pa kami. Buti na nga at hindi iyon natuloy dahil masami pa din ang aking pakiramdam .
Pagkauwi ko sa aming bahay at umidlip muna ako ng panandalian. TOK! TOK! TOK! Sa Lakas ng Lagabog sa aming Gate, nagising tuloy ako. Iyon pala ang aking mga kaibigan. At ditto pa sila sa bahay naming nakikain. Sila ay sina Claudette, Noriel, Joanne, Megs, Kate, at Kimverly ! AnDami nilang dalang pagkain. Iyon na ang maing huling bonding sa taon na ito at sana ay masundan pa.

Wednesday, December 19, 2012

Last Day ng Cultural Show !


Dear Diary,

TooT..ToooT ! 5:00 na ! Dahil araw ngayon ng pasahan n gaming mga Proyekto… Kailangan kong pumasok. At wala pang bakod ang aking miniature house. Buti na nga lang at natapos ko iyon sa aming paaralan ! Halos lahat ng mga nagperform ay pumasok din . Namiss din kasi namin yung aming mga guro !
Pagkauwi naman naming ay gumawa naman kami ng aming “ Tulong Sa Pag-aaral - AP” sa bahay ng aking kaibigan na si Maryrose FunTsong !
Matapos naman noon ay as usual, pumunta muli ako sa aming paaralan, deretso lagay ng Foudation, at maghintay ng Start ng Program. Pero un ang pinakaMemorable Day sa CULTURAL SHOW ! First time in da History, sumayaw an gaming Punongguro na si Mam San Diego ng Cha-cha. Wala talagang tatalo sa Mambugan!

Tuesday, December 18, 2012

Pamana: The Cultural Show ~ Book II


Dear Diary,


                Second Day ng Cultural Show…. At bugbog na ang aming katawan sa pagpePerform. Sinabayan pa ng madaming… madaming… madaming… PROJECTS ! Ikaw kaya mo ba yun.? Kami… Kaya nman yun… Kami na nga daw ang Multi-Taskers ! As Usual, Maaga na naman akong nakarating sa school. Pagdating ko doon, deretso lagay ng Foundation at Lipgloss (na ang lagkit-lagkit sa mukha). Hindi pa din nawala ang sakit ko, bagkus ay lumalala pa! haha. Pero kaya pa din naman……
        
        Syempre, after naming magperform sa harap ng langkay-langkay na mag-aaral mula sa Ikapitong Baitang, ang sumunod naman ay ang mga mag-aaral mula Ikalawang Taon. Medyo tumahimik kasi nagging Strict na ang aming punongguro dahil sa mga naghihiywang mga estudyante kahapon. Hindi talaga pwedeng humiyaw… pero sa kasamaang palad… mayroon pa din. After ng Show…. Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao nang sumayaw na ang mga Piling Guro ng MbNHS ! Lupet sumayaw ng Jazz…. Nagpirinig din ang aming punongguro na kung magagaling ang mga guro sa aming paaralan, pano pa kaya siya..? hahaha. Sana nga’t sumayaw si Mam. San Diego bukas !

Monday, December 17, 2012

Unang Araw ng Cultural Show !



Dear Diary,

                         First Day na ng Cultural Show! Excited lahat ng mga magpeperform. Kahit yung iilan sa amin partikular doon sa mga lumaban sa MUKHA Division Contest (kasama ako doon) na nanalo naman kahit paano ng Ikatlong Parangal. Lahat kami ay lubhang napagod matapos ng gabing iyon. Kanina nga lamang umaga ay nagkasakit pa ako. Sabi ng aking nakakatanadang kapatid, baka nga raw ay nahamugan ako kagabi (parang baby lang). Pero kinaya pa naman ng katawan ko na magperform.
          
           Noong araw na iyon, ang mga mag-aaral mula sa ikapitong baiting an gaming pnasaya. Kahit ipinagbabawal na sumigaw habang kami ay nagpeperform, hindi pa rin sila tumigil sa paghiyaw sa tuwing kami ay nagtatanghal na. Pero dahil naman doon , lalo pa kaming nasiglahan upang galingan an gaming pagpapakitang gilas sa aming mga manunood. At natapos naman ang araw na iyon na mayroon silang ngiti sa kanilang mga mukha. Galing talaga naming! Kahit nakakapagod…. Eh… Masaya naman!

Friday, December 14, 2012

Ikasampung Pangkatang Gawain




Sa gawaing ito, nagpakita kami ng isang skit kung saan kailangan naming maipakita ang Maling Gawain ng mga Pari noon maging sa kasalukuyan na nangyari sa tunay na buhay.

Ikasiyam na Pangkatang Gawain


Sa gawaing ito, kami ay naatasan upang patunayang kung napakita nga ba sa loob ng mga Kabanatang aming pinag-aralan ang Sirang Pamilyang Pilipino na siya ring makikita sa loob ng Kabanata 19 – Si Sisa.






Wednesday, December 12, 2012

Iba't Ibang Uri ng Tunggalian

              Ang Tunggalian ay ang siyang nagpapaigting sa Paglalahad ng mga karanasang tinipon ng isang manunulat upang mabuo ang buhay na kanyang inilalahad.
·        Tao VS. Tao – Ang Kasawian ng Tao ay gawa din ng kanyang kapwa.
·        Tao VS. Lipunan – Maigting ang pakikibaka ng tauhan sa Lipunan na kanyang kinabibilangan.
·        Tao VS. Sarili – Maigting na pakikibakang pangkatauhan ng pangunahing tauhan sa kanyang sarili.

Mga Kabanata sa Noli me Tangere

                    Sa mga nakalipas na araw, ang aming pagtatalakay ay dumako naman sa ilan sa mga kabanata mula sa akdang Noli me Tangere na makikitaan ng iba’t ibang uri ng tunggalian at maging sa mga nakatagong simbolo sa bawat kabanata.
            Ang mga Sumusunod ay:
·        Kabanata 1 – Ang Pagtitipon
·        Kabanata 10 – Ang Bayan ng San Diego
·        Kabanata 16 – Si Sisa
·        Kabanata 19 – Ang Karanasan ng isang Guro
·        Kabanata 39 – Si Donya Consolacion








Wednesday, December 5, 2012

Tata Selo !


    



        Ang akdang “Tata Selo” ni Rogelio Sikat ay patungkol sa mga pinagdaang unos ni Tata Selo at ng kaniyang anak matapos nitong mapatay ang Kabesa na nagpatakbo sa lupang tunay na pagmamay-ari ni Tata Selo.

Mabangis na Lungsod !







           Ang akdang “Mabangis na Lungsod” ni Efren Abueg ay umikot sa buhayni adong na isa lamang na musmos na pulubi. Ipinikata sa loob ng akda ang tunay na mga pangyayari sa buhay ng isang pulubi.

Saturday, December 1, 2012

Mga Tinipong Buod sa Filipino III !


          Ito ang aming proyekto sa Filipino III para sa Ikatlong Markahan. Dito ay naatasan kami upang ibuod ang lahat ng mga akdang aming tinalakay at tatalakayin pa lamang sa Ikatlong Markhan.
          Ilan na dito ay ang:
 Sa Pula, Sa Puti
             “Mabangis na Lungso”
 “Tata Selo”
at “Banyaga”

Kami rin ay naatasan upang ibgay ang aming mga Bisang Pandamdamin at Pangkaisipan mula sa bawat akdang aming binuod.


Mga Karapatang Pambata


            Matapos naming talakayin ang akdang “Mabangis na Lungsod”, tinalakay naman naming ang mga karapatang mayroon ang mga bata kung saan maiuugnay natin ang buhay ni Adong sa buhay niya bilang musmos na bata.

Ikawalong Pangkatang Gawain!


Kami ay naatasan upang ibigay ang mga kasuklam-suklam na mga pangyayaring naganap sa buhay ni Adong mula sa akdang “Mabanigs na Lungsod”.

Wednesday, November 21, 2012

Ikapitong Pangkatang Gawain


         
                   Kami naatasan upang sagutin ang ibinigay na tanong na “Anu-ano ang isasaalang-alang kung msgbibingo o tataya sa Lotto?”. Gamit ng mga ibinigay napagpipilian ay kailangan namin na piliin ang dapat isasaalang-alang.

Ikaanim na Pangkatan Gawain






                    Kami ay naatasan upang sagutin ang mga ibinigay na tanong patungkol sa pagkatao ni Kulas sa loob ng akdang “Sa Pula, Sa Puti”.

Tuesday, November 20, 2012

Sa Pula, Sa Puti





               Ang akdang “Sa Pula, Sa Puti” ni Francisco Rodrigo ay tungkol sa mga masamang dulot ng pagkasusugal partikular and Pagsasabong na naipakita din sa loob ng akda.

Monday, November 19, 2012

Slogan patungkol sa "Ang Hudyat ng Bagong Kabihasnan"



                    Matapos naming basahin ang akdang “Ang Hudyat ng Bagong Kabihasnan”, kami ay pinagawa ng isang Slogan payungkol sa nilalaman ng nasabing akda.

Friday, November 16, 2012

Ikalimang Pangkatang Gawain






 Kami ay naatasan upang bigyang kahulugan ang mga binigay na pahayag mula sa akdang “Banaag at SIkat”

Ikaapat na Pangkatang Gawain






                Kami ay naatasang kung ano ba ang mga paninindigan at paniniwala ni Delfin at ni Felipe.

Banaag at Sikat





Ang akdang ang “Banaag at SIkat” ni Lope K. Santos ay patungkol sa paniniwala nila Delfin at Felipe; Delfin bilang isang Sosyalista at Felipe naman bilang isang Anarkista.

Ikalawang Pagsusulit !




             


                 Syempre, matapos ang Unang Pagsusulit ay susunod naman ang Ikalawa !

Unag Pagsusulit ( Ikatlong Markahan )







Ito ang aming Unang Pagsusulit sa Ikatlong Markahan!


Saturday, November 10, 2012

Ikatlong Pangkatang Gawain


Kami ay naatasan upang ilahad ang mga pangyayaring nakapaloob sa akdang “Ang Kalupi” batay sa Tamang pagkakasunod at maging sa kahulugan ng mga bahagi ng Banghay

Ang Kalupi




            



           Ang akdang “Ang Kalupi” ni Benjamin Pascual ay tungkol sa maling panghuhusga ng mga tao sa mga taong nakapaligid sa kanila.