Sayang ! Nagulat talaga ako nang
tumawag si ate na Uuwi na kami ngayon sa Antipolo ! Akala ko bukas pa, gagala
pa naman sana kami mamayang gabi. Pero ok na din kasi sa maikling oras na iyon
ay nakapagbonding naman kami ng aking mga pinsan sa Makati ! Dali-dali kaming
nag-ayos na ng Gamit kanina. Buti na nga lang at hindi kami nahuli. Pumunta
agad kami sa Jeepney Station papuntang FTI para pumunta naman ulit sa bahay ng
aking ate sa isa pang barangay sa Makati dahil sa kanya kami sumabay pauwi dito
sa Antipolo lulan ng isang Taxi kasama ang kanyang asawa at ang aming
napakaCute na pamangkin. Pagdating namin dito sa Antipolo, dinumog na naman siya ng mga baliw kong ate. Pagkatapos noon ay nagsikainan na din kami ng buong pamilya !
No comments:
Post a Comment