Dear
Diary,
[Galit
siya sa salitang “only” . Walang pakialaman ng Trip! Haha]
|
Its been a very Long day ! Walang
kasama si ate para mamili ng mga gifts, kaya sinama niya ako sa Marikina
[rush-hour nga ksi mamili!haha] . Madami pa ding namimili doon. Dahil nga
madaming inaanak itong ate ko, ayun! Pagod tuloy kami kakahanap kung anung bibilhin
tapos sobrang dami pa [kainis]. Pero ok lang ksi nag-enjoy naman ako. Madami
kasi akong nakitang mga bagay na nakakatawa . Hindi ko nga alam kung bakit ako
ganito, pati ung maliliit na mali sa
isang bagay, mabilis kong nakikita.
[Dagdag
pa, ako naman magdadala niyan lahat eh!]
|
Syempre, matapos naming mamaili ng aking ate sa Marikina, kailangan din naming mamili ng mga kakailanganin sa Noche Buena mamaya. Kaya mula sa Marikina ay bumababa pa kami sa Cherry Foodarama upang mamili pa ulit [dami stop-over]. Doon ay namili kaming mga Ingredients para sa lulutuin ng aking ate. Matapos noon ay nadagdagan na naman ang aking mga dalahin. Pero ok lang kasi madami din akong nabiling pagkain. Good for One day Lahat. Sobrang Saya na naman ngaraw na to!
No comments:
Post a Comment